Binondo

Binondo
Transkripsyong iba
 • Tsino岷倫洛區
Arko ng Pagkakaibigan ng mga Pilipino at Tsino
Arko ng Pagkakaibigan ng mga Pilipino at Tsino
Palayaw: 
Kinaroroonan ng Binondo sa Maynila
Kinaroroonan ng Binondo sa Maynila
BansaPilipinas
RehiyonPambansang Punong Rehiyon
LungsodMaynila
Distritong Pambatasika-3 distrito ng Maynila
Barangays10
Lawak
 • Kabuuan0.66 km2 (0.26 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2020[1])
 • Kabuuan20,491
 • Kapal31,000/km2 (79,000/milya kuwadrado)
Binondo
Tradisyunal na Tsino
Pinapayak na Tsino
Selebrasyon ng bagong taon ng mga Tsino sa Binondo

Ang Binondo (Tsino: 岷倫洛; pinyin: Mínlúnluò; Pe̍h-ōe-jī: Bîn-lûn-lo̍h) ay isang distrito sa Maynila na pangunahing tinitirahan ng mga imigranteng Tsino sa Pilipinas. Umaabot ang impluwensiya nito hanggang sa mga karatig na lugar na Quiapo, Santa Cruz, San Nicolas at Tondo. Ito ang pinakamatandang Baryo Tsino o Chinatown sa buong mundo, na itinatag noong 1594[2][3][4][5] ng mga Kastila bilang pamayanan malapit sa Intramuros na sa kabila lang ng Ilog Pasig para sa mga Katolikong Tsino; nakaposisyon ito upang mabantayan nang mabuti ng administrasyong kolonyal ang kanilang mga migranteng sinakop.[6] Isa na itong sentro ng komersiyo ng mga Tsino bago pa man ang pananakop ng mga Kastila. Sentro ang Binondo ng komersiyo at kalakalan sa Maynila, kung saan umuunlad ang lahat ng uri ng negosyong pinapatakbo ng mga Pilipinong Tsino.

Kabilang sa mga tanyag na residente sina San Lorenzo Ruiz, ang Pilipinong protomartir, at Kagalang-galang na Madre Ignacia del Espiritu Santo, tagapagtatag ng Kongregasyon ng Relihiyoso ng Birheng Maria.

  1. "Highlights of the National Capital Region (NCR) Population 2020 Census of Population and Housing (2020 CPH)" [Mga Haylayt ng Populasyon ng Pambansang Rehiyong Kapital (NCR) 2020 Senso ng Populasyon at Pabahay (2020 CPH)]. Philippine Statistics Authority (sa wikang Ingles). Nakuha noong 14 Nobyembre 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Geni Raitisoja (Hulyo 8, 2006). "Chinatown Manila: Oldest in the world" [Baryo Tsino ng Maynila: Pinakamatanda sa mundo] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong Marso 27, 2012. Nakuha noong Enero 12, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Wherry, Frederick F. (2015-09-01). The SAGE Encyclopedia of Economics and Society [Ang Ensiklopedyang SAGE ng Ekonomika at Lipunan] (sa wikang Ingles). SAGE Publications, Inc. p. 355. ISBN 9781452226439. Nakuha noong 2020-08-04.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Umali, Justin (2019-02-04). "How Binondo Became the World's Oldest Chinatown" [Kung Paano Naging Pinakamatandang Baryo Tsino ng Mundo ang Binondo]. Esquire (sa wikang Ingles). Summit Media. Nakuha noong 2020-08-04.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Bernard P. Wong; Chee-Beng Tan (2013-03-21). Chinatowns around the World: Gilded Ghetto, Ethnopolis, and Cultural Diaspora [Mga Baryo Tsino sa Buong Mundo: Ginintuang Iskwateran, Etnopolis, at Kultural na Diaspora] (sa wikang Ingles). Brill Publishers. p. 272. ISBN 9789004255906. Nakuha noong 2020-08-04.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Simon Ostheimer (Setyembre 12, 2012). "World's best Chinatowns" [Ang mga pinakamagagandang Baryo Tsino sa mundo] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong Hulyo 2, 2017. Nakuha noong Enero 12, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search